^

Probinsiya

20 katao nasagip sa nagka-aberyang Bangka

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasagip ng mga elemento ng Philippine Navy tatlong tripulante at 20 pasahero makaraang magpalutang-lutang sa dagat ang isang nagka-aberyang pampasaherong bangka na malapit nang lumubog dahil sa malakas na alon sa karagatan ng El Nido, Palawan nitong Biyernes ng hapon.

Ayon kay Captain Cherryl Tindog, Chief ng Public Affairs  Office ng AFP-Western Mindanao Command, dakong alas- 4:00 ng hapon nang masiraan ang MBCA Queen Cleopatra na hinahampas ng malalakas na alon sa karagatan ng El Nido.

Sinabi ni Tindog na kasalukuyang nagsasagawa ng maritime patrol ang Navy vessel BRP Federico Martir (PC 385) na nasa tinatayang 1,870 yards northeast sa Miniloc Island nang maispatan ang nasabing motor banca na hindi na umaandar habang kumakaway naman ang mga crew at pasahero nito sa bilang tanda ng paghingi ng tulong.

Nabatid na masyadong malakas ang alon sa kinapadpa­ran ng bangka na sinasakyan ng mga tripulante at pasahero kaya agad na inatasan ni Commander Virgilio de Guzman, Commanding Officer ng Patrol Craft 385 ang kaniyang mga tauhan  na  magmaniobra at sagipin ang mga lulan ng pampasaherong bangka.

Nabatid na bandang alas-6:00 ng gabi nang ligtas na makabalik ng pier ng El Nido ang mga nasagip na tripulante at pasahero.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with