Cafgu dinedo sa bahay ng pamangkin

NORTH COTABATO, Philippines — Bumulagta ang 46-anyos na Citizen Armed Force Geographical Unit (Cafgu) makaraang pagbabarilin ng mga hindi kilalang kalalakihan sa Barangay Poblacion Siyete, bayan ng Midsayap, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Sa police report, anim na tama ng bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ng biktimang si Toto Paguilidan Sumlay, may asawa, ng Barangay Kapinpilan, Midsayap at nakabase sa ilalim ng Army’s 38th Infantry Battalion ng Phil. Army.  

Nabatid na dadalo sana sa graduation party ng kanyang pamangkin ang biktima kasama ng anak nitong si Elangbai Sanso Sumlay nang makasalubong si kamatayan.  

Hindi naman nadamay ang anak ng biktima dahil nasa loob na ito ng bahay bago maganap ang pamamaril.  

Sinubukan pang tugisi n ng mga awtoridad ang tatlong suspek pero hindi na nila naabutan.

Show comments