^

Probinsiya

Eroplano nag-dive: 10 utas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Eroplano nag-dive: 10 utas

Ang bahay kung saan bumagsak ang piper plane na ikinasawi ng sampung katao kabilang ang anim na pasahero nito at apat na sibilyan. Kuha ni Boy Cruz at Boy Santos

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang sampung katao makaraang aksidenteng bumagsak ang isang piper plane sa isang bahay sa isang residential area sa Brgy. Lumang Ba­yan, Plaridel, Bulacan nitong Sabado ng tanghali.

Sa ulat, sinabi ni Bulacan Provincial Police Office Director P/Sr. Supt. Romeo Caramat Jr., sampung bangkay ang nakuha ng nagrespondeng mga elemento ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) team sa crash site.

“Ten confirmed killed, body count yan na-retrieve nun SOCO team natin, CAAP personnel and Bureau of Fire Protection (BFP) team sa area”, pahayag ni Caramat.

Base sa impormasyon mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang eroplano na isang Piper PA-23 -200 Apache, RPC # 299 ay ino-operate ng Lite Air Express ay may apat na pasahero at dalawang piloto.

Ang eroplano, ayon kay Caramat ay pinalilipad nina Captain Ruel Meloria at co-pilot nitong sina Efren Patugalan sakay ang apat na pasahero.

Ang eroplano ay kati-take-off lamang mula sa Plaridel airport  bandang alas-11:21 ng tanghali patungong Laoag City nang bumagsak dakong alas-11:35 ng tanghali at ayon sa ilang mga nakasaksi sa pangyayari ay  sumabit pa ang pakpak sa poste ng kuryente  at maging sa puno sa lugar.

Batay sa rekord ng CAAP, kabilang sa mga nasawi na halos hindi na makilala dahil sa pagkakatusta sa sunog ay ang dalawang piloto nabanggit, Romeo Huenda, chief mechanic, mga pasaherong lulan ng eroplano na sina Alicia Necesario, Maria Vera Pagaduan, Nelson Melgar.

Ang mga nasawing sibilyan na miyembro ng pamilya mula sa bahay na nabagsakan ng eroplano at nasunog pa sa insidente ay nakilala namang sina Louisa Santos dela Rosa, 80; magkakapatid na apo ng matanda na sina John John dela Rosa, 17; Timothy dela Rosa, 11; Trisa dela Rosa, 7  at ina ng mga itong si Risa dela Rosa. Ang mga ito ay kumakain ng pananghalian ng mangyari ang trahedya.

Ang insidente ay  ikinasugat ng dalawang iba pa at lumikha rin ng sunog kung saan nagresponde rin ang mga bumbero at inapula ito.

Sinabi naman ni Chief Inspector Agustin Joseph, hepe ng Plaridel Police, kasalukuyang nananghalian ang  pamilya  ni Louisa Santos ng bumagsak dito ang eroplano.

Nabatid na grounded muna ang mga eroplano ng Lite Air habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa trahedya. - Boy S. Cruz at Butch Quejada

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with