10 utas, 38 arestado sa ‘One Time Big Time’

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Sampu katao ang naiulat na nasawi sa malawakang “One Time Big Time” operations na isinagawa ng Cotabato Police Provincial Office sa iba’t-ibang lugar sa North Cotabato kamakalawa ng gabi at kahapon.

Sa panayam kay P/Supt. Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office, maliban sa 10 na nasawi na sinasabing nanlaban nang ilunsad ang operasyon, ay may 38 katao pa ang kanilang naaresto sa kanilang mas pinalakas na anti-drug at anti-criminality operations.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ronnie Macaalay Acoy, residente ng Plang Village, Poblacion, Kabacan, North Cotabato; Datu Manong Sambuto Macaalay ng Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato; John Ryn Lapastura, Angelito Cabalfin na kapwa sa bayan ng Tulunan habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng anim pang suspek.

Sinabi ng pulisya na kahapon ng umaga lamang, apat mula sa nasabing bilang ang kumpirmadong napatay sa operasyon ng pulisya sa bayan ng Tulunan. 

Sa ngayon, patuloy pa ang konsolidasyon ng PNP sa kanilang kabuuang ­operasyon.

Show comments