No.1 wanted sa Cavite, arestado

CAVITE, Philippines — Bumagsak na sa kamay ng mga awtoridad ang number one most wanted sa kasong pagpatay sa isinagawang operasyon ng mga pulis kamakalawa ng hapon sa Maragondon, lalawigang ito.  Kinilala ni P/S Insp. Rez   Alovera, officer-on-charge ng pulisya ng bayang ito ang naarestong suspek na si Gerry Reyes, 51-anyos, construction worker, ng Brgy. Tulay-A, ng naturang lugar.  Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:00 ng hapon nang ikasa nila ang “Oplan Galugad” sa nasabing barangay at bitbit ang warrant of arrest ay nadakma ang nasabing suspek. 

Show comments