^

Probinsiya

6 na wanted arestado

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines — Kalaboso ang anim na kalalakihang may nakabimbing mga kasong kriminal sa iba’t ibang mga hukuman matapos na maaresto ang mga ito dahil sa pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa mga kriminal sa iba’t ibang lugar sa bayan ng San Ildefonso sa magkakasunod na ope­rasyon dito noong Biyernes ng maghapon.

Kasalukuyan ng nakapiit ang mga suspek na sina Ronnel Gonzales, 42 (murder), amain nitong si Lamberto Gonzales, 52 (murder) mga residente ng Brgy.Bulusukan,Florentino Dela Cruz, 58 (estafa/illegal recruitment) ng Brgy. Matimbubong, Kevin Mendoza, 19 (3 counts of attempted homicide) ng Brgy. Pinaod. Hector Talatala Sr., 64 (acts of lascivousness in relation to R.A. 7610) ng Brgy. Buhol na Mangga at Rommel Torres , 34  (trespass) ng Brgy. Akle pawang sa bayang ito.

Sa ulat ni P/Supt. Voltaire Rivera dakong alas-9:15 ng umaga ay isang impormante ang nag-ulat sa himpilan ng pulisya hinggil sa presensya ng mag-amaing suspek na sina Ronnel at Lamberto Gonzales sa kanilang lugar sa Brgy.Bulusukan na nakatala bilang No.5 at No.6 Most Wanted Persons sa naturang bayan saka kinasa ang operasyon. Bitbit ng operatiba ang  warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Veronica Vicente-De Guzman ng RTC Br.9 sa Malolos City para sa kasong murder at walang inirekomendang piyansa sa kanila.

Kasunod nito ay naaresto na rin ang apat na iba pa sa iba’t ibang lugar sa naturang bayan bunsod ng ipinalabas na mga warrant of arrest ng korte.

Kasalukuyan ng nakapiit sa himpilan ng pulisya ang mga suspek at nakatakdang ibalik ng mga kagawad ng warrant section sa iba’t ibang hukuman ang mga isinilbing warrant kasama ang mga suspek upang umpisahan ang paglilitis laban sa mga naaresto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with