Kawani ng pamahalaan, itinumba

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Napatay ang 43-anyos na kawani ng lokal na pamahalaan matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang gunman sa bisinidad ng Earth Street, Barangay Rosary Heights 8 sa Cotabato City, Maguindanao kamakalawa ng gabi. Nagtamo ng pitong tama ng bala ang tumapos sa buhay ni Julie Bero ng Krislamville, Barangay Rosary Heights 6 sa nabanggit na lungsod.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, pasado alas-6 ng gabi nang pagbabarilin ang biktimang nagmomotorsiklo pagsapit sa nasabing lugar.

Show comments