Obrero itinumba ni Kap

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Pinabulagta ng sarili nilang barangay chairman ang isang 25-anyos na obrero ng furniture shop habang sakay ng motorsiklo pauwi sa Brgy. Namalangan, Santa, Ilocos Sur noong Biyernes ng gabi.  Sa report na nakara­ting kay Sr. Insp. Oliver Baniqued, hepe ng Santa PNP, dakong alas 9:00 ng gabi nang ratratin ang biktimang si Garry Renon ni Chairman Nelson de Paralta na nakasakay din sa motorsiklo. Ayon kay Baniqued, mabilis tumakas ang opisyal habang nagsisigawan at nagsitakbuhan ang mga nasindak na mamamayan sa paligid. Isinugod ng mga sumaklolo ang biktima sa Ilocos Sur District Hospital sa Narvacan kung saan ito idineklarang patay.  Nabatid sa hepe na sangkot ang biktima sa isang kaso ng illegal logging na isinampa ng suspek. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing kaso.

Show comments