‘Rapist’ bulagta sa shootout

MANILA, Philippines — Napaslang ang isang 30-anyos na lalaki na wanted sa kasong rape nang manlaban ito habang siya’y dinadakip ng mga otoridad sa naganap na barilan sa Brgy. Campo, Himogaan, Sagay City, Negros Occidental kamakalawa.

Kinilala ang nasawing wanted na si Jojit Miñosa, residente ng Brgy. Balintawak, Escalante City, ng naturang probinsya.

Sa ulat ng Sagay City Police, nangyari ang shootout  sa nasabing lugar dakong alas -8:30 ng gabi.

Ayon sa pulisya, kasalukuyang isinisilbi ng arresting team ng pulisya ang warrant of arrest laban sa suspek nang bumunot ito ng baril at paputukan ang mga operatiba.

Bunga nito ay napilitan ang mga pulis na gumanti ng putok na nauwi sa ilang minutong putukan hanggang sa bumulagta ang suspek na nasawi noon din sa insidente.

Narekober naman ng mga awtoridad sa pinangyarihan ng shootout ang baril na ginamit ng suspek at mga basyo ng bala.

Show comments