2 arestado sa anti-drug operation

QUEZON, Philippines — Kulungan ang binagsakan ng dalawang babae matapos na maaktuhang nagbebenta ng droga sa Mabini Street, Barangay Palola sa bayan ng Lucban, Quezon kamakalawa ng gabi.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Flordelyn Rana, 36, ng Barangay Ayuti; at Yolanda Alipio, 42, dating OFW, ng Barangay 8.

Ayon kay P/Supt. Alejandro Onquit, chief of police, isinagawa ng mga operatiba ng Municipal Drug Enforcement Unit (MDEU) ang bust-bust operation dakong alas-8 ng gabi.

Narekober sa mga suspek ang limang plastic sachet na shabu (1.6 gramo), 3 aluminum foil, lighter, dalawang P500 marked money.

Show comments