Obrero, nalibing nang buhay

QUEZON  , Philippines  —  Nalibing sa hinuhukay na tumpok ng buhangin ang 22-anyos na lalaki makaraang bumigay ang mga nakatakip sa kanyang kinalalagyan sa Sitio Pook, Barangay Cabatang sa bayan ng Tiaong, Quezon kamakalawa ng hapon. Sinikap pang isalba ng mga manggagamot sa Liwag Medical Clinic ang buhay ni Arvin Jay Pera subalit tuluyan din itong nalagutan ng hininga. Sa ulat ng pulisya, bandang alas- 5:25 ng hapon ay nasa kasagsagan nang paghuhukay ng buhangin ang biktima nang tuluyang bumigay ang mga nakatakip na plywood sa mistulang kwebang nahukay na nito. Natabunan ng buhangin at mga bato ang biktima kung saan kinalaunan ay hinukay ng mga residente at dinala sa nabanggit na klinika subalit namatay din habang ginagamot.

Show comments