Senglot nahulog sa ilog, nalunod

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Patay ang senglot na magsasakang nakipaglaklakan matapos itong mahulog habang umiihi sa ilog ng Barangay 45, Tangid, Laoag City, Ilocos Norte noong Lunes.  ?Kinilala ng pulisya ang biktima na si Andres Barrientos ng Barangay Cabungaan.? Sinasabing nabigong makabalik ang biktima sa pakikipag-inuman sa mga kaibigan matapos itong magpaalam para umihi sa gilid ng ilog.? Ayon sa police report, natagpuan ng mga kainuman na sina Marlowe Recaido at Rey Salendaa ang biktima na nakahilata sa pampang matapos ang ilang minutong paghahanap. ?Kinumpirma ni Dr. Joseph Adaya sa post-mortem examination na pagkalunod ang ikinamatay ni Barrientos at wala siyang nakitang palatandaan ng foul play sa bangkay nito.

Show comments