Driver binistay ng bala ng tandem

SANTIAGO CITY, Isabela  , Philippines  —  Patay ang isang tsuper ng tricyle matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa lungsod ng Cauayan sa lalawigang ito kamakalawa ng umaga. Ang biktima ay si Jan Kristian Matias, 29, ng Barangay Buena Suerte, Cauayan City.  Sa ulat ng Cauayan City Police, binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Barangay Road sa kanilang lugar lulan ng kanyang TMX tricyle na pampasada nang buntutan siya ng mga suspek na nakasakay din sa isang single na motorsiklo. Hindi pa man umano nakakalabas sa kanilang barangay ang biktima nang ratratin siya ng mga suspek na pawang nakasuot ng jacket at helmet matapos madikitan nang malapitan. Agad na nasawi ang biktima habang tumakas ang suspek. Nakuha sa lugar ang pitong basyo ng bala at slug ng 9mm na baril.

 

Show comments