Biyuda inakusahang mangkukulam niratrat

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  —  Isang 48-anyos na biyuda na inakusahang mangkukulam ang nakaligtas sa ikalawang pagkakataon matapos na pagbabarilin sa Brgy. Poblacion Sur, Sta. Maria, Ilocos Sur kamakalawa. ?Sa report kay Sr. Insp. Joel Castillo, hepe ng Sta. Maria Police, nag- aabang ng sasakyan pauwi sa Brgy. Lubong si Merlita Ballano nang ratratin ng suspek sa katawan saka tumakas.?Isinugod ng mga sumaklolo si Ballano sa Ilocos Sur Provincial Hospital kung saan siya inoobserbahan. ?Ayon kay Ballano,  nakilala niya ang suspek na siya ring bumaril sa kanya noong nakaraang taon dahil sa akusasyong isa siyang mangkukulam na kanyang itinanggi.?

Show comments