Sundalo, inutas sa lamay

NORTH COTABATO, Philippines — Sabay na pinaglalamayan na ngayon ang sundalo matapos na pagbabarilin hanggang sa mapatay habang nasa lamay ng kanyang lola sa Alberta J. Tribaco residence, Purok 5, Barangay San Vicente sa bayan ng Banga sa lalawigan ng South Cotabato.

Kinilala ang biktima na si PFC Joel Tribaco Pabon, 43, may-asawa, miyembro ng Philippine Army na naka-assign sa 65th, 9th ID Marawi City at residente ng Purok Ilang-Ilang, New Isabela, Tacurong City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Banga PNP, nakikipag-inuman umano ang biktima kamakalawa ng gabi kasama ang isang Ronnie Lope Guillema, 61, may-asawa, magsasaka at residente ng Sitio Sombilla, Barangay San Vicente sa lamay ng kanyang lola ng bigla na lamang itong binaril ng hindi kilalang suspek.

Tinamaan ng bala sa mukha mula sa shot gun ang sundalo na pinaniniwalaang rason ng agarang pagkamatay nito.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Banga PNP sa insidente.

Show comments