Nakasaging motorcycle rider, dinedo

CAVITE, Philippines — Napatay ang 43-anyos na motorcycle rider matapos itong saksakin ng kanyang nasaging pedestrian na tumatawid sa Barangy Queensrow West sa Bacoor City, Cavite, kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Jerry Bogador ng Block 7 Lot 3, Village Homes sa nasabing barangay. Tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Rolly Salazar ng Block 12 Lot 6 Village Homes sa nabanggit na barangay. Base sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, nasagi ng biktimang nagmomotorsiklo ang suspek na papatawid  sa kalsada kung saan humantong sa mainitang pagtatalo. Gayunman, umalis na ang biktima sa pag-aakalang naayos na ang nasabing isyu. Subalit inabangan ng suspek ang biktima saka pinagsasaksak. Naisugod naman sa South East Asian Medical Center ang biktima subalit namatay habang ginagamot. Cristina Timbang

Show comments