77-anyos lolo swak sa bangin

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Tinapos ni Kamatayan ang malusog at maliksing buhay ng 77-anyos na lolo makaraang mahulog ang minamaneho nitong Isuzu  Hilander wagon sa may 20 metrong lalim na bangin sa Barangay Lubas, bayan ng La Trinidad, Benguet noong Linggo. Sa police report na ipinalabas ni P/Chief Insp. Carol Lacuata, tagapagsalita ng Cordillera police, kagagaling lang sa Pines Park ng biktimang si  Camilo Tan-ayen Macguing nang magtuluy-tuloy ang kanyang wagon (WNC-955) sa matarik na highway nang aksidenteng nagtuloy tuloy ito sa bangin dahil na rin sa dilim ng paligid dakong alas-6:30 ng gabi.? Sinikap ng mga sumaklolo na isugod sa Benguet General Hospital suba­lit idineklarang patay ang biktima.

 

Show comments