2 patay sa karambola ng 3 bike

CAVITE, Philippines — Dalawa-katao ang namatay habang tatlo naman ang nasugatan sa naganap na karambola ng tatlong motorsiklo sa kahabaan ng  provincial road sa Barangay Alulod, bayan ng Indang, Cavite kamakalawa ng gabi. Isa sa namatay ay nakilalang si Allan Rey Escobido, 31, ng Binambangan sa Brgy Poblacion 4, Indang, Cavite habang bineberipka pa ang pagkakakilanlan ng driver ng motorsiklo. Kinilala ang mga sugatang sina Alvin Arpon, 23; Richard Bringera, 23, driver naman ng isa pang motorsiklo. Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, bandang alas-11 ng gabi nang magkarambola ang tatlong motorsiklo. Nabatid na walang headlight ang isa sa motorsiklo kaya hindi ito napansin ng kasalubong na motorsiklo.

Show comments