Dalaga nanlaban sa rapist, inutas

CAVITE, Philippines — Napatay ang 27-anyos na dalaga na sinasabing tinangkang halayin matapos itong saksakin ng barangay tanod sa madamong bahagi ng Barangay Javalera sa General Trias City, Cavite kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si  Shiela Mae G. Dalmacio, reservation staff ng pribadong kompanya at nakatira sa Eagle Ridge sa nasabing barangay. Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Jay-Ar Angcosta Layaban, 22, ng Acasya Purok 1 sa Barangay Cabezas sa Trece Martires City, Cavite. Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, huling namataang buhay ang biktima na patungo sa pinapasukang trabaho bandang alas-8 ng umaga. Gayunman, hindi nakara­ting sa trabaho ang biktima hanggang sa matagpuang patay sa madamong bahagi ng nasabing lugar. Ikinanta naman ng nakasaksi sa krimen na ang suspek ang nasa likod ng krimen.

Show comments