Medical stude nag-dive mula sa 5th flr ng dorm, dedo

CAVITE, Philippines — Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 22-anyos na medical student na sinasabing may matinding problema matapos itong tumalon mula sa roof deck ng dormitory sa Barangay Zone 4 sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Patrick Sarao, binata, medical student ng De LaSalle Health Science and Institute at nagdo-dorm sa  Room 106, ground floor ng Antlers Place Dormitory sa nasabing barangay.

Sa ulat ni SP01 Michael Dela Peña na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, naitala ang insidente bandang alas-3:50 ng hapon kung saan sinasabing nag­lalakad ang biktima sa ground floor ng dormitory habang may kausap sa celpon.

Gayunman, nasa 5th floor na ang biktima sa may roof deck nang bigla itong tumalon.

Lumagapak ang biktima kung saan nagulantang at nagsigawan ang ibang estudyante sa ground floor.

Kaagad namang naisugod sa UMC Hospital ang biktima subalit namatay habang ginagamot.

Ayon sa pulisya, tu­manggi ang pamilya ng biktima na isailalim sa post-mortem examination ang katawan ng binata kaya lumagda sila sa waiver.

Show comments