Tulak dedo, 13 tiklo sa droga

BULACAN  , Philippines  — Napatay ang sinasabing notoryus na drug suspek na nasa drug watchlist habang 13 naman sa isinagawang anti-drug operation sa mga bayan ng Pandi, Balagtas, Guiguinto, Malolos City, at San Jose Del Monte City sa Bulacan noong Linggo. Nagtamo na ilang tama ng bala sa katawan ang napatay na kinilala lamang sa Alyas Intsik ng Brgy. Balite sa Malolos City. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Paterno “Putot” Ireso, Joel Celestial, Evangeline Bustillo, Ronald Bacolod, Allan Cacchupa, Mark Voltaire Esmaquilan, Mark Anthony Ba­nastao, Jomar Rivera, Rene Vargas, Reynaldo Gulfo, Alvin Manalaysay, Rodney Samarita, at ang 17 anyos na lalaki. Base sa police report, si Instik ay sinasabing kumasa sa buy-bust operation kaya napilitang putukan ng mga pulis sa Barangay Sto. Cristo sa Malolos City. Nasamsam sa magkakasunod na operasyon ang  improvised shotgun, mga bala, 41 plastic sachet na shabu, P2,100 marked money at mga drug paraphenalia.

Show comments