23-anyos lalaki utas sa killer bus

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Durog ang katawan at namatay ang 23-anyos na lalaki matapos itong masalpok ng pampasaherong bus habang paangkas sa motorsiklo sa gilid ng Maharlika Highway sa Barangay La Union sa bayan ng Castilla, Sorsogon noong Sabado ng gabi. Hindi na nagawa pang maisugod sa ospital ang biktimang si Orlando Bungos ng Barangay Trece Martirez, bayan ng Casiguran. Sumuko naman sa mga pulis ang driver ng DLTB Bus (UYE-163) na si Hernie Jumawan, 48, ng Bayabas Street, Makati City. Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, umaangkas ang biktima sa motorsiklo ng kaibigang si Jayson Bacolod sa gilid ng highway nang mabangga ng bus na hindi na huminto kung saan patungong Sorsogon City.

Show comments