10-M Marijuana nasabat sa Kalinga

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Mahigit P10 milyon halaga ng marijuana ang nadiskubre at sinira ng awtoridad sa tatlong araw na operasyong isinagawa sa liblib na lugar ng Barangay Luccong, Tinglayan, Kalinga, kahapon ng hapon. Sinabi ni Atty. Hector Edward Geologo, Cagayan Valley Regional Director ng National Bureau of Investigation na wala nang nadatnang cultivators ang pinagsanib nilang puwersa ng pulisya at PDEA nang sugurin nila ang malawak na plantasyon noong Sept. 20. Matatandaan na noong Pebrero ay idineklarang drug free ng PDEA at PNP ang naturang lalawigan. Patuloy pa rin sinisiyasat ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga pasimuno sa muling paglitaw ng marijuana plantation na una nang binuwag noong 2015.

Show comments