2 utas sa motorbike crash

LUCENA CITY, Quezon  , Philippines – Patay ang magkaibigang se­nglot makaraang bumangga sa poste ng kuryente ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Ibabang Iyam, Lucena City, Quezon kahapon ng madaling araw. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Art Brual Jr. , chief of police sa Lucena City, nakilala ang mga biktima na sina Rodrigo Rocero, 30; at Rodolfo Escovidal, 53; kapwa residente ng Barangay Isabang. Batay sa imbestigasyon, patungo sa city proper ang magkaibigan nang mawalan ng kontrol ang driver ng motorsiklo kaya sumalpok sa poste ng kuryente pagsapit sa kurbadang highway sa harapan ng computer college. Naisugod ng rescue team ang mga biktima sa Quezon Medical Center subalit nalagutan na ng hininga.

Show comments