Pulis-Crame itinumba sa Batangas

Base sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Randy Peralta, Batangas police director, papauwi na si Lindo mula sa kanyang tindahan sakay ng Mitsubishi Lancer (PLR-758) kasama ang helper na si Cristoto Manimtim nang  harangin at pagbabarilin ng mga hindi kilalang lalaki na lulan ng kotse na walang plaka. File

BATANGAS, Philippines – Itinumba ang 46-anyos na pulis-Crame matapos itong pagbabarilin ng mga maskaradong lalaki sa Barangay pagsapit sa Barangay Pagaspas, Ta­nauan City, Batangas noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si PO3 Eric Oñate Lindo ng Barangay Sala sa nasabing lungsod, dating nakatalaga sa Sto. Tomas Police Station at kasalukuyang naka-assign sa Holding Center sa Camp Crame, Quezon City.

Base sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Randy Peralta, Batangas police director, papauwi na si Lindo mula sa kanyang tindahan sakay ng Mitsubishi Lancer (PLR-758) kasama ang helper na si Cristoto Manimtim nang  harangin at pagbabarilin ng mga hindi kilalang lalaki na lulan ng kotse na walang plaka.

Nagawang makadapa sa loob ng sasakyan si Ma­nimtim habang pilit namang pinaharurot ni PO3 Lindo ang kotse kahit na  sugatan pero hinabol ito ng gunmen at muling niratrat.

Narekober naman ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na rumes­ponde sa crime scene ang 29 cartridge ng hindi pa natukoy na armas, relo, at P 1,050.00 cash at dalawang plastic sachet na shabu habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments