Janitor ng NIA dinedo sa inuman

NORTH COTABATO, Philippines – Napatay ang 43-anyos na janitor ng National Irrigation Agency (NIA) makaraang ratratin ng riding-in-tandem habang nakikipag-inuman sa harap ng mosque sa Barangay Poblacion Singko, Cotabato City sa Maguindanao kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima na si Rashid Cansi Macapia ng Barangay Rosary Heights 3 sa nasabing lungsod. Base sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Efren Salazar, nakikipag-inuman ang biktima sa dalawang kasamang babae nang lapitan at pagbabarilin ng tandem. Nagtamo ng maraming tama ng bala ng cal. 45 pistol ang biktima.

Show comments