Pusher inutas sa sementeryo

Quezon City Mayor Herbert Bautista ordered the suspension of classes in all levels in his city on the day of the SONA. The STAR / Boy Santos

BULACAN , Philippines  – Napatay ang 23-anyos  na drug peddler matapos itong barilin ng hindi kilalang lalaki sa loob ng pampublikong sementeryo sa Barangay San Roque, bayan ng Paombong, Bulacan kahapon ng umaga. Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktimang si Jomar Cruz na may alyas Jomar Tattoo, trike driver, at residente ng Sitio Bisita, Brgy. San Isidro sa nasabing bayan. Ayon kay PO3 Marcelo Magaling Jr., si Cruz na dating sumuko sa Oplan Tokhang noong 2016 ay natagpuang patay bandang alas-5:20 ng umaga. Narekober sa crime scene ang isang basyo ng bala ng cal. 45 pistol, 3 plastci sachet na shabu at karatulang may nakalagay na “motornaper at pusher ako, ‘wag n’yo tularan”.

Show comments