^

Probinsiya

Mall nilooban: P1.3-M tangay

Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Umaabot sa P1.3 milyon cash ang natangay makaraang looban ng mga miyembro ng Termites Gang ang kilalang shopping mall sa Barangay Camalig, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa.

Sa imbestigasyon ni PO3 Filamer Guillermo, dumulog sa himpilan ng pulisya ang bisor ng EMA Town Center na si Noel Ventura kaugnay sa naganap na nakawan sa opisina ng shopping mall kung saan winasak ang safety vault saka tinangay ang nasabing halaga.

Nadiskubre ng ilang kawani ng mall ang nagkalat na gamit sa opisina at ang safety vault na wasak.

Nabatid din sa ulat na tumunog ang alarm system ng establisimyento subalit sa hindi nabatid na dahilan ay walang aksyon ang officer-in-charge ng security na hindi naipaabot sa mga awtoridad.

Ayon pa sa pulisya, pinutol ang kable ng mga CCTV camera sa nasabing lugar kung saan sinisilip ng mga imbestigador ang anggulong inside job.

Narekober sa crime scene ang limang bareta-de-kabra, tatlong hydraulic jacks, screw drivers at ilang gamit sa paghuhukay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with