Tanker vs truck: Driver dedo, 4 sugatan

MANILA, Philippines - Patay ang isang driver ng truck habang apat pa ang sugatan kabilang ang dalawang nasa kritikal na kondisyon makaraang aksidenteng  magbanggaan ang isang petroleum tanker at kasalubong na cargo truck sa highway ng San Antonio, Quezon nitong Sabado ng madaling araw.

Dead-on-arrival sa Peter Paul Hospital ang biktimang si Jose Obania, driver ng truck matapos na magtamo ng matinding sugat sa katawan matapos maipit sa loob ng behikulo.

Isinugod naman sa pa­gamutan ang mga sugatang biktima na sina Marlou Gonzales, driver ng tanker at mga sakay nitong babae at dalawang bata na inaalam pa ang mga pangalan.

 Sa inisyal na ulat ng Quezon Police, bandang alas-4:40 ng madaling araw habang binabagtas ng oil tanker na patungong Batangas ang nasabing lugar nang biglang mahagip ang kasalubong na cargo truck sa Brgy. Buliran na naging sanhi ng pagkamatay ni Obania.

Show comments