SUV vs motorbike: 1 dedo, 2 kritikal

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Kamatayan ang sinapit ng 21-anyos na obrero habang kritikal naman ang dalawa nitong kasama makaraang salpukin ng kanilang motorsiklo ang Toyota SUV sa kahabaan ng highway sa Barangay Upi, bayan ng Gamu, Isabela noong Martes.? Base sa police report, kumakaliwa ang Toyota Innova SUV (ADE 9573) ni Kagawad Jemuel Cayaba, 60, ng Barangay Malalam, Ilagan City nang salpukin ng motorsiklo ni Charles John Lumabi mula sa kabilang linya.?Tumilapon at nagpagulung-gulong sa kalsada si Lumabi at mga kaangkas na sina Jona Tallano at Kristel Edrada.? Naisugod sa ospital si Lumabi subalit namatay din habang ginagamot kung saan ang dalawang kasama. ?Isinugod din sa Gov. Faustino Dy Sr. Memorial Hospital si Cayaba matapos itong atakihin ng alta presyon.

Show comments