Motorbike vs trak: 2 utas

BATAAN, Philippines – Bulagta ang driver at kaangkas nito sa motorsiklo makaraang sumalpok sa nakaparadang truck sa kahabaan ng Gapan Olongapo Road sa Barangay San Benito, bayan ng Dinalupihan, Bataan kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga namatay na sina Michael Salido, 35, ng Roosevelt Park Hill; at Deejay Estores, 29, ng nabanggit ding barangay. Sa ulat ni PO3 Jeffey Chavez, patungong kabayanan sa Dinalupihan ang mga biktima nang masagi nito ang trak (AMA2059) na nakaparada sa gilid ng highway. Sumemplang at nagpagulung-gulong ang mga biktima kaya magkasunod na namatay habang tumakas naman ang driver ng truck.

Show comments