Magka-live-in tiklo sa P.1-M shabu

LUCENA CITY, Quezon, Philippines - Arestado ang magka-live-in na sinasabing notoryus na drug suspek makaraang makum­piskahan ng P.1milyong halaga ng shabu sa inilatag na drug operation ng pulisya sa Purok Little Baguio, Barangay Ibabang Dupay sa Lucena City, Quezon kahapon ng madaling araw. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Art Brual Jr. hepe ng Lucena City Police Station, pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Jonathan Monteza y Orbeta, 43; at Aileen “Ara” Natad, 29, mga residente ng nasabing barangay. Dahil sa kooperasyon ng mga residente kay Barangay Kagawad Jun Buenaflor ay positibong naikasa ang buy-bust operation ng mga awtoridad laban sa dalawa sa direktiba ni P/Supt. Marlowe Torina. Nasamsam sa mga suspek ang 14 plastic sachet ng shabu (63 gramo) na may street value na P116, 500.00, mga paraphernalia, at ang P500 marked money.

Show comments