10 dayuhan arestado sa illegal mining

OLONGAPO CITY  , Philippines – Kalaboso ang 10 dayuhan na sinasabing nagpupuslit ng black sand at iba pang mineral sa Zambales makaraang masakote sa inilatag na operasyon ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) kamakalawa. Kasalukuyang isinailalaim sa tactical interrogation ang siyam na Tsino at isang Indonesian kaugnay sa paghahakot ng tone-toneladang mineral sa bahagi ng Maculcol River sa bayan ng San Felipe sa Zambales. Ayon sa NBI, walang kaukulang environmental permit mula sa gobyerno ang mga dayuhan na sinasabing protektado at pinapayagan naman ng mga tiwaling opisyal ng lokal na pamahalaan at maging ang sinasabing mga tauhan ni Zambales Governor Amor Deloso. Sinasabing nilabag ng mga suspek ang ilang probisyon ng Philippine Mining Act of 1995, partikular ang section 103 (theft of minerals).

Show comments