Radio station, tinupok ng apoy

KIDAPAWAN CITY, North Cotabato , Philippines  -  Hindi na nakapagsahimpapawid ng mensahe sa Easter Sunday ang himpilan ng radyo matapos na matupok ng apoy ang announcer’s booth ng DXDD-FM Radio Kampana ng Dan-ag Sa Dakbayan Broadcasting Corporation sa Rizal Avenue, Ozamis City sa Misamis Occidental, kahapon ng madaling araw. Ayon kay Adeth Saquin, DXDD-AM at DXDD-FM bookkeeper, nagsimula ang apoy sa kisame ng FM booth sa ikatlong palapag ng radio station. Nabasag ang makapal na salamin na naghahati sa AM at FM booth pero naagapang mapigilan ang kumakalat na apoy sa kabilang gusali. Inaalam pa ng mga awtoridad ang halaga ng ari-arian na nilamon ng apoy na sinasabing electrical circuit ang isa sa pinagmulan ng apoy.

Show comments