Rapist ng anak, nag-suicide

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang sa takot na mabulok sa kulungan ang isa sa motibo kaya nag-suicide ang 50-anyos na ama na inireklamo ng panggagahasa sa sarili nitong anak matapos itong magbigti sa puno ng mangga sa bayan ng Jose Dalman, Zamboanga del Norte kamakalawa. Bandang alas-6:45 ng umaga kahapon nang madiskubre ang  nakabiting bangkay ng biktimang si Bobby Ebanay ng Sitio Tabang, Barangay Tamil sa nasabing bayan. Sa imbestigasyon ng pulisya, ang suspek ay sinampahan ng kasong rape noong Biyernes.

 

Show comments