Lolo lumabo ang mata, nagbigti

QUEZON , Philippines  - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 64-anyos na lolo na sinasabing lumalabo na ang kanyang paningin matapos itong magbigti sa Barangay Naburao, bayan ng Lucban, Quezon? kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Melecio de Asis ng Barangay 9 sa nabanggit na bayan. Sa salaysay sa pulisya ng asawa ni Melecio, umalis ang biktima noong Biyernes ng gabi (Abril 7) kung saan idinadaing ang panlalabo ng mata hanggang sa hindi na ito umuwi.? Kinabukasan ay nakita ang biktima na nakabitin sa puno ng balimbing na malapit sa cellsite.

Show comments