2 holdaper kalaboso

CAVITE, Philippines -  Kalaboso ang dalawang holdaper makaraang ireklamo ng panghoholdap sa dalawang tinedyer sa Barangay De Ocampo sa Trece Martirez City, Cavite kamakalawa. Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Aleine Joseph Clara Valdez, 22, construction worker; at Rey Alejandro Cruz,  22,  security guard, mga naskatira sa Purok 6, Barangay Gregorio sa Trece Martires City, Cavite. Kinilala naman ang mga biktima na sina Princess Mendoza ng Southville sa Barangay Inocensio; at Billy Joe Lebasnon ng Baragnay Paradahan sa bayan ng Tanza, Cavite. Sa police report na nakarating sa Camp Pantgaleon Garcia, magkasamang naliligo sa ilog ang mga biktima nang lapinta at  holdapin gamit ang hawak na patalim. Tinangay ng mga suspek ang dalawang cellphone ng mga biktima bago mabilis na tumakas. Kaagad namang humingi ng tulong ang magkaklase sa mga awtoridad kung saan nasakote ang mga ito at nabawi ang dalawang cellphone.

 

Show comments