Logistic officer ng NPA, arestado

MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng militar ang sinasabing logistics officer ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa inilatag na operasyon sa Barangay Casantaan, bayan ng Sto. Thomas, La Union kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Lt. Col. Eugenio Julio Osias IV, commander ng Army’s 81st Infantry Battalion ang suspek na si Jhonny “Rod” Obena. Bandang alas-4 ng hapon nang masakote ng pangkat ng militar at pulisya ang suspek na bukod sa pagiging logistics officer ay miyembro rin ito ng Squad Dos, Platoon South at Squad Dos, Platoon South Ilocos Sur. Ang nasabing opisyal ay may limang standing warrant of arrest sa kasong frustrated murders at attempted murders na inisyu  ni Judge Policarpio Martinez ng Candon City Regional Trial Court Branch  71 noong 2013.

Show comments