2 arestado sa P.3-M shabu
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - March 27, 2017 - 12:00am

LUCENA CITY, Quezon, Philippines -  Dalawang notoryus tulak-droga ang naaresto ng mga operatiba ng Quezon Provincial Drug Enforcement Unit sa isinagawang buy-bust operation kung saan aabot sa P.3 milyong halaga  ng shabu ang nasamsam sa Barangay Cotta, Lucena City, Quezon kahapon ng ?umaga. Sa ulat na tinanggap ni P/Supt. Art Brual Jr. chief of police sa Lucena City, kinilala ang mga suspek na sina Bernard Palaganas, 43, ng Purok Tulungan, Barangay Cotta; at Arjay Zamora, 30, ng Purok Carmelita, Pleasantville Subdivision sa Barangay Ilayang Iyam.? Narekober sa bahay ng mga suspek ang 28 plastic sachet na shabu (78 gramo) na may street value na P.3 milyon.

DRUG
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with