Motorsiklo salpok sa trak: 2 todas
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - March 18, 2017 - 12:00am

COTABATO CITY , Philippines  - Dalawa katao ang nasawi makaraang salpukin ng kanilang sinasakyang motorsiklo ang nakahambalang sa daan na forward truck sa Purok 2A sa bayan ng Tupi, South Cotabato, pasado alas-2:00 ng madaling araw kahapon. Sa ulat kay P/Insp. Bertito Delco Jr., hepe ng Tupi Police,  binangga ng Honda XRM (NR 2674) motorcycle na minamaneho ni Nestor Nagnal, 36, ang likurang bahagi ng nasiraang Isuzu Forward Cargo (GRS 448) ni Dioscoro Supeter, 46, ng New Isabela Tacurong City habang nakaparada ito sa ikalawang lane ng highway na kapwa nasa direksyon papuntang General Santos City. Dahil sa lakas ng pagkakabangga, patay agad sa lugar si Nagnal at ang backrider nito si Erwin Cuaresma 27, kapwa residente ng EJC Montilla Tacurong City. Agad namang sumuko sa mga otoridad ang driver ng Forward truck.

BERTITO DELCO JR
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with