Mister inutas ng bayaw

BULACAN, Philippines -  Napatay ang 26-anyos na mister matapos itong saksakin ng kanyang bayaw gamit ang basag na bote ng alak sa Barangay Lolomboy, bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon ng madaling araw. Namatay habang ginagamot sa Mount Carmel Hospital ang biktimang si Jerammel Mendoza ng Mendoza Compound sa nasa­bing barangay. Arestado naman ang suspek na si Rean Cristobal, 34,obrero, ng nabanggit na barangay. Base sa imbestigasyon ni PO3 Francis Ramos, nag-iinuman ang magbayaw kasama ang ilang kapitbahay sa birthday party nang sumiklab ang mainitang pagtatalo ng dalawa hanggang sa maganap ang pamamaslang.

Show comments