2 MILF pinabulagta

COTABATO CITY, Maguindanao, Philippines -  Napatay ang dalawang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) makaraang tambangan ng mga hindi kilalang kalalakihan sa Barangay Kabasalan, bayan ng Pikit, North Cotabato, kahapon. Kinilala ang da­lawa na sina Solaiman Dimanalaw at Suk Macasasa, kapwa community leaders sa nasabing barangay. Ayon sa ulat, inatake ang mga biktima habang sakay sa kanilang motorized boat papuntang Kabasalan mula sa palengke. Sakay naman ang armadong grupo sa mas malaking watercraft saka sinundan at niratrat ang mga biktima. Nabatid na dadalhin ng dalawa ang mga panindang isda na nalambat sa Liguasan Delta nang makasalubong si kamatayan.

Show comments