Lady trader arestado sa droga at baril

QUEZON , Philippines -  Kulungan ang binagsakan ng 40-anyos na babaeng negosyante makaraang masakote kaugnay sa pag-iingat ng shabu at di-lisensyadong baril, kamakalawa ng tanghali sa Sitio Sentro, Barangay Bignay 1 sa bayan ng Sariaya, Quezon.? Kinilala ni P/Supt. Dennis de Leon, ang nadakip na suspek na si Maricar Ilagan, may asawa, ng nasabing bayan. Sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte, sinalakay ng mga operatiba ng pulisya ang bahay ng suspek kung saan nasamsam ang dalawang plastic sachet na shabu (5.10 gramo).?Nasamsam din ang bag na may cal. 45 pistol, isang magazine na walang dokumento at 35 piraso ng bala ng cal. 5.56 rifle.

 

Show comments