^

Probinsiya

Pekeng pulis, arestado

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang 41-anyos na fish vendor na nagpakilalang pekeng pulis matapos itong arestuhin ng mga operatiba ng pulisya sa Barangay Bayugo, Meycaua­yan City sa Bulacan kahapon ng madaling araw.

Nakatakdang kasuhan ang suspek na si Joseph Camarillo, fish vendor at nakatira sa Barangay Iba sa nasabing bayan.

Base sa police report na nakarating kay P/Supt. Lailene Amparo, nagreklamo ang ilang residente sa Northville 3 laban sa suspek ang nagpapanggap na pulis at nangingikil sa mga drug suspek.

Kaagad namang rumes­ponde ang mga pulis kung saan sinita ang suspek na naglalakad.

Gayunman, nagpakilala ang suspek na bagong hepe ang intel operatives ng pulisya kung saan nagpakita pa ito ng PNP identification card.

Subalit, lumabas sa beripikasyon ng pulisya, peke ang PNP I.D. ng suspek kaya binitbit ito patuingong himpilan ng pulisya.

vuukle comment

ARESTADO

PEKENG PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with