Kotse vs bike: Pulis utas

CAVITE, Philippines – Patay ang 42-anyos na pulis makaraang salpukin ng kotse ang kanyang motorsiklo sa panulukan ng Niog Road sa Brgy. Mambog 4, Bacoor City, Cavite kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktima na si P02 Ronald Nuestro, naka-assign sa Parañaque City Police, at nakatira sa Block 7 Lot 24 Phase 2 ng Perpetual Village 7 sa Brgy. Mambog 5, Bacoor City. Nakatakdang kasuhan ang driver ng kotse na si Melecio Cesar Carniyan, 28, bisor sa  Mang Inasal at nakatira sa Block C Lot 12 Phase 5 ng ACM Woodstock Homes sa Imus City, Cavite. Sa ulat ni SP01 Ferdinand Cruz na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, nagmomotorsiklo ang biktima nang masalpok ng Toyota Vios na may conduction sticker YV1539. Hindi na nakuhang umiwas ng kotse kaya nasalpok ang kasalubong na motorsiklo ng biktima.

Show comments