Indian trader dinedo ng tandem

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ng riding-in-tandem assassins ang 45-anyos na Indian trader na katatapos lamang mangolekta ng pautang sa Barangay Malapat, bayan ng Cordon, Isabela kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Gurmit Singh ng Barangay Plaridel, sa bayan ng Santiago. Lumalabas sa imbestigasyon na sinundan ng gunmen ang trader na sakay din ng kanyang motorsiklo bago siya niratrat. Tinitingnan ng mga imbestigador ang anggulong personal na alitan sa pamamaslang dahil hindi naman tinangay ng gunmen ang koleksiyon ng biktima sa pagpapautang.

Show comments