2 drug suspek utas sa buy-bust

BULACAN, Philippines – Dalawang notoryus na drug suspek ang napatay makaraang kumasa sa mga operatiba ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Caysio, bayan ng Santa Maria, Bulacan kahapon ng madaling araw. Kinilala ang mga napatay na sina Marvin “Nonop Puto” Lester at Carl Ivan “Patay” Pingol, mga residente ng resetlement housing sa Northville 5-A sa nasabing barangay. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Reniel Valones, nakatunog ang dalawa sa inilatag na buy-bust kaya tinangkang manlaban. Gayunman, naunahan sila ng mga operatiba ng pulisya kaya napatay. Narekober sa dalawa ang siyam na plastic ng shabu, improvised shotgun, cal.22 revolver, mga drug paraphernalia at P500 marked money.

 

Show comments