Crisostomo Gang, nalansag

PAMPANGA, Philippines – Nagwakas ang pamamayagpag ng kilabot na Crisostomo Gang na sinasabing sangkot sa serye ng kidnapping at drug trade makaraang maaresto ang lider nito at tatlong tauhan sa inilatag na buy-bust operation ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Team sa loob ng panaderya sa Barangay Lourdes Teopaco, San Fernando City, Pampanga noong  Biyernes ng hapon.

Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina  Edwin “Diablo” Crisostomo, 35, leader ng Crisostomo Gang at may-ari ng Crisostomo Bakery; Bong “Boy” Sistado, 33, panadero; Cesar “Joshua” Muldong, 40, kusinero; Jaime “Jun” Bristol, 27, panadero, mga tubong Quezon province at naninirahan sa nasabing barangay.

Ayon kay P/Chief Insp. Reynold Macabitas VII, ang nasabing grupo ay sangkot sa  serye ng kidnapping, drug trade at gun-for-hire activities.

Nasamsam sa mga suspek ang 4 na plastic sachet ng shabu, drug paraphernalia,P1,000 marked money na perang ginamit bilang marked money at cal. 45 pistol na may anim na bala.

Show comments