2 utas sa buy-bust

CAVITE, Philippines - Patay ang dalawang drug suspek sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya Bacoor City, Cavite kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina Eleazar Golo, 33, ng  Sitio Malipay sa Brgy. Molino 4; at Edwin “Batotoy” Navidad, 28, ng  Rosal Street, Green Valley sa Barangay Molino 2. Nabatid na nakatunog ang dalawa sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kaya tinangka nitong manlaban subalit inunahan na sila ng mga pulis at napatay. Nasamsam sa mga napatay ang 3-cal. 38 revolver, mga bala, ilang plastic sachet ng shabu, ilang drug paraphernalia, at P100 marked money.

 

Show comments