Binata nakabuntis ng minor, nagbigti

LEGASPI CITY, Albay, Philippines – Patay ang 23-anyos na binata makaraang makonsensiya nang mabuntis nito ang isang minor na kapitbahay sa Purok 6, Brgy. Tabon-Tabon sa bayan ng Daraga, Albay kamakalawa ng gabi. Isa nang malamig na bangkay ng matagpuang nakabitin sa puno ng pili dakong alas-5:00 ng umaga sa kanilang lugar ang biktimang si Romnick Madronio ng nasabing lugar. Sa ulat ng Camp Gen. Simeon Ola, bago natagpuang patay ang biktima ay nakipag-inuman pa siya sa kanyang kaibigan at nang malasing ay umuwi at humingi ng tawad sa kanyang pamilya dahil umano nabuntis nito ang menor-de-edad nilang kapitbahay. Wala namang nakitang foul play ang mga pulis sa insidente.

Show comments